Saturday, December 13, 2008

The Notebook


Ako ay fan ng movie nito. Talaga namang nakakikilig kasi ang scenes. Sa sobrang kakiligan eh nagkatuluyan pa si Ryan Gosling at Rachel McAdams na gumanap na Noah Calhoum at Allie Nelson. Hiwalay na ata sila ngayon.

Sa parehong araw na napadpad ako sa SM [see the "Mahk" post] lumipat lang ako sa kabilang building, Park Square 1. Doon ay nakakita ako ng Books on Bargain stall. Tapos nakita ko ang second hand na mga Nicholas Sparks books. THE NOTEBOOK. P 85.00.

Syempre, pinatos ko na ang sale. Nangangailangan ako ng love story na babasahin ngayon. I'm such a love story sucker.

Sad to say, mas maganda ang screenplay interpretation ng novel na ito IMO. Una, mas makatotohanan kung 7 years lang at hindi 14 years ang pagitan ng pagkakahiwalay ng dalawa. Pangalawa, nawala na ang pagiging romantic ng novel sa bandang huli. Pangatlo, BAKIT NAG-SEX PA SINA NOAH AT ALLIE EH 80 AT 78 YEARS OLD NA SILA RESPECTIVELY? Buti na lang, di ipinakita sa movie. Pang-apat, mas maganda yung ending na namatay silang magkasama. Panglima, nandun si James Marsden sa movie.. as Lon Hammond Jr. Pang-anim, nahilo ako sa papalit-palit na POV ng novel. Pampito, di ako naiyak sa pagbabasa. Gusto ko maiiyak ako.

Last thing, ambata pa pala ni Nicholas Sparks! Akala ko eh uugod-ugod na siya gaya nina Walter Lewin or ni Bob ng Survivor Gabon.

4 comments:

  1. Maganda pa rin ung novel. Ung movie, adaptation na lang un e.

    Marami akong love story na novel dito kung gusto mo.

    Kaya lang kinalimutan mo na yata ako e.

    ReplyDelete
  2. Jonell:

    Kung pahihiramin mo ako, matagal pa bago ko maibalik sayo.

    Di naman kita nakalimutan. Busy busy lang.

    ReplyDelete
  3. Wow. Na-touch naman ako dun.

    Sana lang huwag mo akong pahirapan sa user na pwede sa blog mo...

    ReplyDelete