Thursday, December 11, 2008

I want to be Mahk.

Napadpad ako sa SM Makati kanina. Ang SM na kahit iblindfold mo ako eh alam ko kung saan pupunta. So, habang nagpapaikot-ikot ako sa kawalan ay nagkalat ang mga litrato nitong si Marc Nelson. Sa mga hindi nakakakilala sa kanya (Alam kong meron, magtanong tanong ka sa mga EEE studes ng UP Diliman. Kung anu-anong description na ang nasabi ko, di pa rin niya kilala.) eto ang pic niya na ninakaw ko sa isang site na puro pictures ng Models. (Eh, ang site mo ang lumalabas sa first page ng Google eh.).


Dahil ipinatutupad ko na dito sa bago kong blog ang "no obscenity" rule na mga ilang posts lang magte-take effect, kayo na bahalang maghanap ng hunky photos niya. Merong may 6 pack, 8 pack, no abs, beautiful torso at innocent looking, gaya ng ipinost ko sa taas.

Bilang isa akong insecure na tao, bibilangin natin ang lahat ng mga kinaiingitan ko kay Mahk Nelson.

  1. Edi si Mahk na ang Part English, Scottish, Burmese, Thai and Chinese. Kung ako ang masusunod, gusto maging Part Serbian, Scottish, Bulgarian, Japanese, French, Egyptian, Israeli at Kazakh. Pero malabo namang matupad yun sa akin kaya ipapasa ko na lang yun sa mga kaapu-apuhan ko. Mag-aasawa ako ng half breed, then ikokontrata ko ang mga anak ko na mag-asawa pa ng ibang half breed hanggang sa magkaapo na akong kasing dami ng dugo ni Mahk.
  2. Edi si Mahk na ang tumira sa Sydney, Tanzania, Kenya, Tasmania, Hong Kong, Canada, the U.S. and the Philippines. Gagayahin ko rin siya. Pero dahil di naman ako model at di ko afford ang mag migrate kung saan saan, titira na lang ako sa QC (dorm ng mga ka-org ko), Maharlika Village, Hongkong, Boracay, Spratlys Islands at iba pa!
  3. Edi si Mahk na ang nagtapos ng Human Geography sa Australia. Mag-aaral din ako sa ibang bansa! Maybe, Switzerland, or Bangladesh or Kyrgystan.
  4. Edi si Mahk na ang may magandang katawan. Na pwedeng pwede ko matupad. Isang buong taon akong titira sa Gym.
  5. Edi si Mahk na ang nakasali sa The Amazing Race. Na magagawa ko rin. Inaantay na lang ako ng AXN Asia magsubmit ng Audition Tape. Naghahanap pa kasi ako ng kapartner, ikaw pwede?
  6. Edi si Mahk na ang may magandang girlfriend! Edi kay Marc na si Paula Taylor.. AKIN SI KATY PERRY!
Welcome sa aking unang post. Magbabagong buhay na ako!

4 comments:

  1. Anong kakornihan naman ang meron kAy Merc Nelson.

    Since, hindi ko naman makuha ang post na ito...

    At hindi mo pa ko dinadala sa SM Makati, napansin ko tong MAGKAKASUNDO TAYO, KUNG ADIK KA SA ISA SA MGA ITO.

    .
    .
    .

    wala naman akong kinaaadikan sa mga yan...

    ReplyDelete
  2. Wait lang carl. Hindi ka ba part Serbian, Scottish, Bulgarian, Japanese, French, Egyptian, Israeli, at Kazakh? Haha :)). Joke lang. XD.

    ReplyDelete
  3. Gens:

    Antayin mo na lang sa mga apo ko kung sino sa kanila ang magiging ganyan.

    ReplyDelete