Sunday, May 31, 2009

Ilang beses ba ako mamamatay at mabubuhay ulit?

Parte sana ng bakasyon ko ang paunlarin ang blog kong ito tulad ng dati. Sa mga kakakilala lang sa akin, naka-ilang blog na rin ako simula noong taong 2006.

Ang pinakauna kong blog.

http://zanjoecjaras.blogspot.com (nabura na to. wag mo na puntahan)

Obviously, adik ako sa PBB Celebrity Edition at Survivor: Exile Island nung time na yan.

Sumunod.

http://chilltowntuesdays.blogspot.com (nabura na rin to. pero yung mga post ko nun eh inimport ko sa susunod na blog)

Chilltown - galing sa Big Brother All Stars. Si Dr. Will ata ang nag-coin. Also inspired by Zanjoe's Chill.
Tuesdays - galing sa "Miss kita pag Tuesday" ni RJ Jimenez.

Eto na yata ang highlight ng aking blogging life. Nanalo ang blog na ito ng Filipino Blog of The Week for 2 Non-consecutive weeks. (week 29 and 31). Then I was elevated to the Hall of Fame. Buhay pa pala ang award giving event na ito, and it is on its 4th year.

Anyways, napakabusy ng schedule ko nun kaka-blog hop. Hanggang sa nagsawa na ako sa Blogger, at napunta ako sa mundo ng Wordpress.

Wordpress


Padre Salvi - ang hirap idefine. Basta favorite kong character sa El Filibusterismo.

Nagpopost pa pala ako dito kahit nung kolehiyo na ako. Well, sa blog na ito makikita ang transition mula HS papuntang College. So kasama na dun ang selebrasyon sa mga naipasang Entrance Exam, etc.

Ngayon

Ano ba ang purpose kung bakit ko kinukwento sa inyo ang aking blogging history?

Kasi, wala lang. Gusto ko lang buhayin to ulit. At magsilbi sanang inspirasyon ang mga iniwanan kong blog para mamentain ko ito.

Isa pa, kulang ako sa thinking time para sa blog topics. Di gumagana ang utak ko pag bakasyon.

O siya, magsisimula na ang saya!

--

Para sa mga nacucurious kung ano ang mga sagot dun sa nauna kong post.. (I know them by heart. LOL)

  1. Chuck Wicks
  2. Tony Parker
  3. Jennifer Love Hewitt
  4. Sarah Michelle Gellar
  5. Jimmy Kimmel
  6. Ashton Kutcher
  7. Scarlett Johansson
  8. Reese Witherspoon
  9. Gavin Rossdale
  10. Tony Romo
  11. Vanessa Minillo
  12. Seal
  13. Mariah Carey
  14. Penn Badgley
  15. Portia de Rossi