Monday, December 15, 2008

Lumilinya

Words na naisipan kong ilalagay ko sa sarili kong bokabularyo. Bahala ang mga ibang tao dyan kung di nila maintindihan.

Haagen-Dazs (noun) - isang foreigner na lalaki. Mga nasa 30 years and up. Caucasian dapat.

Paano ko naisipan: Kapag pumupunta kasi kami sa Glorietta, nadadaanan ko yung Haagen-Dazs sa may G3. Tapos everytime na dumaan ako sa tapat nun, meron ako laging nakikitang foreigner na Caucasian.

Nice One (noun, verb, interjection) - sumisingit sa pila.

Paano ko naisipan: Di lang sakin ang bragging rights sa word na iyan, pero mukhang nakalimutan na ng mga ka-bragging rights ko kaya aangkinin ko na ng tuluyan. Nagdecide kasi si Mechelle na manlibre sa EK para sa debut niya nung 4th year HS. Eh nakapila kami sa Rio Grande nun. Tapos sina Zandra, humabol na lang sa pila. Eh sa laki ba naman ni Zandra, imposibleng di siya makita nung mga nasa harapan namin. Kaya nagcomment yung isang nakapila dun, NICE ONE!

Nice Line (noun, verb) - hango sa Nice One. Linyang sumisingit sa isang Mother Line (linyang napakahaba). Ginagawa ng isang uncivilized citizen dahil tinatamad na siyang pumunta sa likod ng pila. Tapos may mga ibang susunod na ring uncivilized citizens at pipila sunod sa kanya. Pakapalan ng mukha na lang ang pag-merge nila sa Mother Line. Kadalasang ang mga uncivilized citizens na ito ay ma-pride at hindi tinatamaan sa mga salitang NICE ONE.

Paano ko naisipan: Nakita ko lang to kanina sa MRT Guadalupe Station. Itong word na to ang nagtulak para magpost ako nitong post na to.

----------

Dapat ang post na to ay isa na namang Christmas Wishlist. Well, di nagagawa ng mabilisan ang isang wishlist. Kailangan ko pa siyang isulat.

4 comments:

  1. nako. lagi ako involved sa mga ganyan.. nakakakonsensya naman.. huhhuu.

    ReplyDelete
  2. naalala ko tuloy nung sumingit ako para sa free shirt nung lantern :))

    ReplyDelete
  3. Denise:

    Yeah! Kasama mo akong sumingit nun! Pero makakakuha rin naman tayo ng shirt kahit di tayo sumingit, so di ako nakonsensya.

    ReplyDelete