Tuesday, September 29, 2009

Ondoy and Grief


Iyan ang unang image na lumabas sa Google ng itype ko ang keyword na "Ondoy". Ineexpect ko, isang picture ni Kuya Kim habang tinuturo ang isang typhoon na imaginary. O kaya screencap ng isang weatherboard bearing the name "Ketsana" (edit: sorry, Info Fail).

Hindi. Kailangan nating makita ang litratong iyan.

September 26, 2009.

Birthday ko. Balak ko sanang umattend ng isang debut ng isang ka-org. At makisaya sa overnight kasama ang mga kaibigan. Ginising na lang ako ng nanay ko kasi nagpapatulong na ayusin ang posisyon ng kotse namin sa garahe. Hanggang tuhod na ang baha. Sa first floor namin. Hindi normal.

Malakas ang ulan, tumataas pa rin ang tubig. Nanghingi na ng tulong ang aming mga kamag-anak sa kabilang bahay. Lumabas ako para tumulong. Hanggang dibdib ko na ang baha. Mga ilang oras din kami pabalik balik mula sa bahay nila hanggang sa bahay namin. Katulong na namin ngayon ang mga kalalakihan sa kapitbahay na mukhang tapos na sa pagsalba ng mga gamit nila papunta sa 2nd floor. Malakas pa rin ang ulan.

Nagpapasalamat ako at hanggang doon na lang ang "Ondoy" Story namin. Di naman kami nawalan ng kuryente, tubig at pagkain. Ang nakakalungkot eh ang nangyari sa ibang mga pamilya.

Nawalan sila ng kagamitan. Nasa bubong na sila ng kanilang bahay. Wala silang makain. Nastranded sila at hindi makauwi sa sariling bahay. Nawalan sila ng kuryente at tubig. Ang iba sa kanila ay inanod na ng umaalong baha. Ang iba sa kanila ay namatay, nawalan ng mahal sa buhay.

FAIL. Birthday FAIL.

Sa isang medyo malapit na paksa, iseshare ko sa inyo ang mga linyang ito mula sa aking paboritong Grey's Anatomy. Salamat kay kaibigang mini_stop sa pagpopost nito sa aking paboritong Pinoy Exchange Forums.

Lexie: Grief may be a thing we all have in common, but it looks different on everyone.

Mark: It isn't just death we have to grieve. It's life. It's loss. It's change.

Alex: And when we wonder why it has to suck so much sometimes, has to hurt so bad, the thing we gotta try to remember is that it can turn on a dime.

Izzie: That's how you stay alive. When it hurts so much you can't breathe, that’s how you survive.

Derek: By remembering that one day, somehow, impossibly, you won't feel this way. It won't hurt this much.

Miranda: Grief comes in its own time for everyone, in its own way.

Owen: So the best we can do, the best anyone can do, is try for honesty.

Meredith: The really crappy thing, the very worst part of grief is that you can't control it.

Arrizona: The best we can do is try to let ourselves feel it when it comes.

Callie: And let it go when we can.

Meredith: The very worst part is that the minute you think you're past it, it starts all over again.

Cristina: And always, every time, it takes your breath away.

Meredith: There are five stages of grief. They look different on all of us, but there are always five.

Alex: Denial.

Derek: Anger.

Miranda: Bargaining.

Lexie: Depression.

Chief: Acceptance.

2 comments: