Saturday, June 20, 2009

G is Golf in Phonetic Alphabet



[Di mo kilala yung unang pic no? Ako rin. Ginoogle ko lang yan para malaman kung ano talaga ang itsura ni Phil Mickelson, ang World #2 sa Golf. At syempre, si Tiger Woods yung nasa second pic. Siya lang kilala niyo.]

Naranasan niyo na bang manood ng Golf pag bored na kayo?

Sa cable namin, 3 channels ang nagpapalabas ng live Golf pag may live nga na Golf na nangyayari kung saan man sa mundo. Syempre, maiinis pa ako at first kasi sana tennis na lang ang pinapalabas nila ng live. Kasi, seryoso, SINO ANG NANONOOD NG GOLF DITO SA PILIPINAS?

Una, hindi mo ma-uunleash ang inyong inner fantardism. Sino ba naman ang magchicheer ng malakas sa isang Golf event? Puro palakpak lang ata magagawa mo kung manonood ka. Baka supalpalin ka pa ni Phil Mickelson kung nagcheer ka habang tumitira siya tapos naglanding sa tubig ang bola niya.

Pangalawa, sino ba naman kasi ang naglalaro ng golf? Di ka ata muna kakain ng isang linggo para lang may pang-entrance fee sa isang Golf Course. At yung iba naman, gustong magpa-fit so they play sports. Magiging fit ba sila while playing golf? LOL.

Lastly, wala kang makakausap about golf. Ni wala ngang nagpopost sa forums tungkol sa Golf eh. Alam niyo bang magtatapos na ang US Open ngayon? Hindi diba?

Golf fans, speak up! OR FOREVER HOLD YOUR PEACE. Lol.

Monday, June 1, 2009

Fallen Warriors



World #1 Rafael Nadal
def. by (the EVIL) [23] Robin Soderling 2-6, 7-6(0), 4-6, 6-7(2)



World #4 Novak Djokovic
def. by [29] Philipp Kohlschreiber 4-6, 4-6, 4-6.


Bawi na lang sa 2010 French Open, o sa Wimbledon next month. I know you can do it.

Long shot to, pero sana manalo si Davydenko (di ko mailagay ang picture ni Davydenko without rewriting the whole post, search niyo na lang) sa French Open. He beat Fernando Verdasco in straight sets earlier. Or kung di man siya, I would love to see Philipp Kohlschreiber win this. [Click mo yung link, at iopen ang audio. The best ang website niya.]